Saturday, August 13, 2011

More Pinoy Jokes!


Job interview:
Boss: Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis niyo , at kung saan nakatira ang kabit niyo.
Boss: Tanggap ka na!

------------

Tomas: Sobrang tabatsoy ang misis ko , kaya gusto niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding siya...
Jorge: Ano ' ng resulta?
Tomas: Nabawasan ng sampung kilo ' yung kabayo!

 ------------


Ama: Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano , madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po.

----------

Dalawang holdaper sa bangko:
Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!

--------

Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?
Doktor: Oo naman. Sigurado ' yon.
Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?
Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.

-----------

3 tanga nagsisiksikan sa maliit na kama
TANGA1: Pare , di tayo kasya. Bawas tayo ng isa , sa lapag na lang matulog.
(Bumaba si Tanga 1.)
TANGA2: Ayan , pare maluwag na , akyat kana dito!

-----------

Dear Dodong ,

Sa susunod anak , Nido non-fat na lang ang ipadala mo sa tatang mo. Nasisira kasi ang tiyan niya sa pinadala
mong Nivea Moisturing Milk...

Nagmamahal - Nanay

-----------

ANAK: ' Tay , penge ng pera. May project kami. Bibili ako ng 'cocomban ' ..
TATAY: Ano ka ba naman. Hanggang ngayon ' cocomban ' pa rin ang tawag mo!
ANAK: Ano po ba ang tama?
TATAY: Bomb paper!

-----------

MISIS: Dear , iligaw mo nga tong pusa. Nakasako na. Dalhin mo sa malayo!
MISTER: Ok!
MISIS: Bakit ka ginabi? Niligaw mo ba ang pusa?
MISTER: Bwisit na pusang yan! Kundi ko siya sinundan , di ako nakauwi!

-----------

PEDRO: Galing ako sa doktor , nakabili na ako ng hearing aid. Grabe ang linaw ngayon nang pandinig ko!
JUAN: Wow , galing! Magkanong bili mo sa hearing aid?
PEDRO: Kahapon lang!

-----------

At a funeral...
ERAP: Tara na , Jinggoy. Alis na tayo!
JINGGOY: Kararating pa lang natin a!
ERAP: Naku mahirap nang maiwan. Basahin mo o: 'REMAINS WILL BE CREMATED. '

-----------

Tanga 1: Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1 coffee. Kanina ka pa silip nang silip diyan.
Tanga 2: Hinahanap ko yung libreng asukal. Nakasulat kasi sa karton ' SUGAR FREE. '

-----------

JUAN: Pare , ang bilis kong nabuo ' tong puzzle!
PEDRO: Talaga? Gaano kabilis?
JUAN: 5 months!
PEDRO: Tagal naman!
JUAN: Tagal ba ' yun? Nakalagay nga dito: 'for 3 years up ' !

-----------

If you enjoyed the laugh , please pass it along!!!!

Remember You  Don't Stop Laughing Because You Grow Old,
You Grow Old Because You Stop Laughing.... ..


shared by:

Peter Allan C. Mariano

Talakayan at Kalusugan - TAK Radio
Energy Efficiency Solutions and Services - Managing Partner
Links2Prosperity Marketing - Web Marketing : Web Content : Web Design
Entreplink Philippines - Moderator

Follow me on TWITTER:
Join my FACEBOOK Family:

No comments:

Post a Comment